Biyernes, Oktubre 11, 2024

Madaling araw

MADALING ARAW

madaling araw ako'y nagising
mula sa malapot kong paghimbing
nang madinig kong may naglalambing
nauulanan pala si muning

para bang kumakatok sa pinto
kaya bumangon ako't tumayo
sa kisame pa'y may tumutulo
madilim pa't buwan ay naglaho

siya'y pinapasok ko na lamang
upang tumigil na ang ngiyawan
siya'y nakatulog sa basahan
at ako'y muling umidlip naman

ramdam ko pa rin ang managinip
o baka lang ako'y nag-iisip
sa araw na ito'y may nasagip
kaya may saya akong umidlip

- gregoriovbituinjr.
10.11.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paniniwala - salin ng tula ni Taghrid Abdelal

PANINIWALA Tula ni Taghrid Abdelal Isinalin sa Ingles ni Fady Joudah (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Hindi iyon ang pangunahin, s...