Linggo, Oktubre 13, 2024

Pinaghalong bawang at sibuyas juice

PINAGHALONG BAWANG AT SIBUYAS JUICE

pinakuluan ko ang bawang at sibuyas
at iniinom ito na animo'y gatas
dagdag ito sa arsenal na pampalakas
habang naghahanap ng puno ng bayabas

na tingin ko'y bihira na sa mga lungsod
baka sa lalawigan pag ito'y sinuyod
bitamina D at D2 ang nasa't lugod
malusog na katawan ang tinataguyod

kung walang bayabas, sibuyas muna't bawang
gayatin, ilagay sa baso at bantuan
ng mainit na tubig o pakukuluan
saka inumin pag iyon na'y maligamgam

BAwang at SIbuyas, tawagin nating BASI
habang ginagawa iyon ay nagmumuni
dahil tiyak kong inuming ito'y may silbi
nang katawa'y lumakas sa araw at gabi

- gregoriovbituinjr.
10.13.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pinaghalong bawang at sibuyas juice

PINAGHALONG BAWANG AT SIBUYAS JUICE pinakuluan ko ang bawang at sibuyas at iniinom ito na animo'y gatas dagdag ito sa arsenal na pampala...