Huwebes, Marso 6, 2025

Ang dapat maluklok

ANG DAPAT MALUKLOK

katatapos lang ng bayan sa paggunitâ
sa anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa
isang aral na nakita ko'y maging handâ
kung sakali mang mag-alsa muli ang masa

napagnilayan ko ang uring manggagawà,
maralita, kababaihan, magsasaka
mga inang dahil sa tokhang lumuluhà
ay, paano ba babaguhin ang sistema

kung ang Pag-aalsang Edsa'y muling mangyari
dapat dahil sa pagbabagong ating mithi
dahil ang mapagsamantala't mapang-api
ay dapat mawala't di na makapaghari

wasto lang na tunguhin nati'y tamang landas
kung saan wawakasan ang sistemang bulok
itatag natin ang isang lipunang patas
at mula uring manggagawa ang iluklok

- gregoriovbituinjr.
03.06.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang dapat maluklok

ANG DAPAT MALUKLOK katatapos lang ng bayan sa paggunitâ sa anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa isang aral na nakita ko'y maging handâ kung s...