Miyerkules, Marso 5, 2025

Maaliwalas na umaga

MAALIWALAS NA UMAGA

maaliwalas ang umaga
na nagbibigay ng pag-asa
upang nagdaralitang masa
ay patuloy na makibaka

nang asam na hustisya'y kamtin
na iyon ang pangarap man din
na pati presyo ng bilihin
ay tuluyan nang pababain

ang umaga'y maaliwalas
na tanda ng magandang bukas
at tumungo sa nilalandas
na asam na lipunang patas

hayo, magpatuloy sa layon
dukha't obrero'y magsibangon
tuparin ang yakap na misyon
nang bagong sistema'y matunton

- gregoriovbituinjr.
03.05.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Palakad-lakad

PALAKAD-LAKAD ay, palakad-lakad pa rin ako parang Samwel Bilibit na Hudyo o sa Ingles ay The Wandering Jew ngunit ako'y maka-Palestino k...