PARIUGAT
may wikang Filipino pala sa square root
PARIUGAT, aba'y anong kanyang minulan
na talagang sa ulo ako'y napakamot
parisukat plus ugat equals pariugat
pag square, imu-multiply mo ang numero
sa sarili nito, habang square root naman
ay pag na-divide ang numero sa sarili
nito, na madali namang maunawaan
suriin mo, ang square ng eight ay sixty-four
habang pariugat naman ng sixteen ay four
ang square ng numero pito ay forty nine
habang ang pariugat ng eighty-one ay nine
pariugat - likhang salita sa sipnayan
na kung tutuusin, malaking tulong naman
lalo na sa sugkisan at palatangkasan
pati sa bilnuran, tayahan, tatsihaan
- gregoriovbituinjr.
02.04.2026
sipnayan - mathematics
sukgisan – geometry
palatangkasan – set algebra
bilnuran – arithmetic
tayahan – calculus
tatsihaan – trigonometry

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento