Miyerkules, Pebrero 4, 2026

Tinuring mang makatâ ng lumbay

TINURING MANG MAKATÂ NG LUMBAY

tinuring na makatâ ng lumbay
sa mga tulang may luhang taglay
lalo't nag-iisa na sa buhay
bálo na't laging di mapalagay

yaring pusò na'y nanlulupaypay
ang búhay na'y nawalan ng kulay
pati na tula'y naglulupasay
sa sahig ng hinagpis at lumbay

kayraming kathang sa sinta alay
dama ang kirot ng pagkawalay
habang ibang kathang tula'y tulay 
sa bayang madalas naninilay

laksang sugat man ang lumalatay
taos sa pusò ang pagsisikhay
nang búhay pa'y pasiglahing tunay
tinuring mang makatâ ng lumbay

- gregoriovbituinjr.
02.04.2026

* sa ikawalong anibersaryo ng pamamanhikan (02.04.2018-2026)    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tinuring mang makatâ ng lumbay

TINURING MANG MAKATÂ NG LUMBAY tinuring na makatâ ng lumbay sa mga tulang may luhang taglay lalo't nag-iisa na sa buhay bálo na't la...