Biyernes, Marso 20, 2026

Paglalakad sa red carpet

PAGLALAKAD SA RED CARPET

‎pangkaraniwang araw man iyon
‎ay pambihirang pagkakataon
‎ang maglakad sa red carpet doon
‎sa isang talakayan o forum

‎tila ba ako'y personalidad
‎pagkat sa red carpet ay naglakad
‎bagamat di ko iyon hinangad
‎subalit sa bungad na'y tumambad

‎sa labas lang iyon ng bulwagan
‎pagpasok ay tiyak daraanan
‎kaya sa selpon ay bnidyuhan
‎na red carpet ang nilalakaran

‎forum ng karapatang pantao
‎ang doon nga'y dinadaluhan ko
‎minsan ay matuwa ang lolo mo
‎sa bungad man ay red carpet ito

‎- gregoriovbituinjr.
‎03.20.2026
* kinunan ang bidyo sa pagdalo sa isang maghapong talakayan at palihan hinggil sa karapatang pantao, Marso 19, 2026

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/r/1CGCgu4Qd5/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paglalakad sa red carpet

PAGLALAKAD SA RED CARPET ‎pangkaraniwang araw man iyon ‎ay pambihirang pagkakataon ‎ang maglakad sa red carpet doon ‎sa isang talakayan o f...